Daddy Bae, Tinapos na ang ilusyon ng AlDub Nation.

Tila napuno na si Daddy Bae Richard Faulkerson Sr. sa di matapos tapos na ilusyon ng AlDub Nation na totoong kinasal umano ang kanyang anak na si Pambansang Bae Alden Richards at Phenomenal Star Maine Mendoza. Matagal na nanahimik si Daddy Bae sa mga kathang isip ng mga mga fans na totoo daw umano ang naging kasalan sa pagitan ng alDub Loveteam noong Kalyeserye days pa. Kaya naman nagtataka ang ilan sa mga ADN kung bakit ngayon lamang ito nagpakatotoo sa mga tagahanga ng anak.


Kung tutuusin ay manloloko raw si Daddy Bae dahil noong mga nakaraang taon nung kalakasan pa ng tambalang AlDub ay parati nyang tinatawag na manugang si Maine Mendoza. At ito rin ang dahiln ng kanyang mabilis na pagsikat sa social media at pagdami ng followers. Marahil sinakyan niya lang ang kasikatan ng AlDub. Sa tweet nito noong nakaraang araw ay ipinunto nito na tama na raw ang mga gawagawang kwento at sinabing mag move on na ang lahat.

Dahil sa tweet na ito ng ama ni Tisoy ay nag init ang ulo ng mga fans at tila ito raw ang nagpatunay na niloko ng AlDub ang publiko at pinaniwala ang mga fans na merong something ang dalawa kahit wala naman talaga. Dapat na nga bang mag move on ang AlDub Nation na wala talagang namagitan kina Alden Richards at Maine Mendoza? Ikaw ano ang masasabi mo sa pasabog na ito ni Daddy Bae?

Post a Comment

0 Comments