Nag-ala action star si Phenomenal Star Maine Mendoza sa segment ng Longest Running Noontime Show na Eat Bulaga. Sa segment na Boom ay nagsample ito ng maaksyon na eksena kasamaang ilan sa mga kalahok sa round 3 nasabing segment.

Kwelang kumasa si Menggay sa eksenang barilan para masusing mapili ng Contestant kung sino ang stuntman sa mga ito. Pero hindi ito naiwasan na matawa ang mga manonood sa mga ginawa ni Menggay. Gamit ang isang Hanger ay ginawa niya itong mistulang baril.

Nagpagulong gulong naman ito sa sahig at nagpaka kwela. Hindi nga makakaila na isa si Menggay sa mga pinaka inaabangan ng mga manonood araw-araw sa Eat Bulaga. Kaya naman kapag wala si Maine sa programa ay nagiging matamlay umano ang show ayon na rin mismo sa mga manonood nito.