Maine Mendoza, Mangiyak-iyak matapos habulin ng Aso sa EB.

Kalmadong nag-o-host si Phenomenal Star Maine Mendoza at kinakausap ang dog trainer sa Studio ng Eat Bulaga ng biglang muntik na lamang syang sagpangin/habulin ng aso. Dahil sa nangyari nagulat si Menggay at nangatog ang mga paa. Dahil na rin siguro sa pagkabigla nito sa nangyari.

At dahil on air sila ay imbes na maiyak ay ipinakita na lamang ni Menggay na wala lang ito sa kanya at ngumiti na lamang ito at naging kalmado. Pero matapos ang segment ay niretweet ni Menggay ang nasabing video at sinabing "Ok naman ako sa mga dogs, wag lang manghabol, Patulo na yung luha ko kanina sa takot at gulat."

Samantala, Hinangaan naman ng mga manonood si Menggay sa naging reaksyon nito na naging kalmante sa kabila ng nangangatog nitong mga paa at pagkagulat sa nangyari. Poise na poise niyang naitawid ang nangyaring ito. Ikaw anong ang masasabi sa nangyaring ito? Maari mong ibahagi ang iyong opinyon at mag komento lamang sa ibaba.

Post a Comment

0 Comments