Maine Mendoza at Carlo Aquino, Magtatambal sa Pelikula under ABS-CBN.

Ginulat ang publiko sa isang anunsyo ng Black Sheep na pinangangasiwaan ng ABS-CBN Films na magtatambal umano ang kapamilya actor na si Carlo Aquino at Phenomenal Star Maine Mendoza. Matatandaan na naikwento na noon ni Menggay ang kanyang labis na paghanga sa aktor na si Carlo. Lalo pa ng mapanood niya ito sa pekikulang idinirek ng "Destined to be Yours" director na si Irene Villamor.

Narito ang naging pahayag ni Maine Mendoza/,

"Nagulat ako but in a good way, happy kasi I really wanna work with him lalo na nung napanood ko siya sa Meet me in St. Gallen nag-fangirl ako."

Nakasama ni Maine Mendoza si Direk Michael Tuvierra ng APT Entertainment Inc. at Inang Olivia Lamasan ng ABS-CBN Films. Together with his Leading Man Carlo Aquino at ang magdi-direk ng  pelikula na si Prime Cruz. At ang magiging titulo ng pelikula ay "Isa Pa With Feelings"













Samantala, nagbigay reaction  naman dito ang ilan sa mga tagahanga ng AlDub. Narito ang ilan sa kanilang mga komento ukol sa tambalang Carlo at Maine.

Ayon sa komento ni Alidia Dulay. "Ok naman eh, Sinusuportahan naman namin ginalit nyo lang kami kasi kailangan pabang magsiraan ha? Ginagago nyo kase ang AlDub Nation e, Samantalang kami ang pinaka malaking fandom na kakailanganin nyo kung may movie talaga sila. Kaya nagsasabong mga mga fans ni Maine at Alden e kase pinagsasabong nyo."

Tila negatibo rin ang reaksyon ni Bella Dizon, "Pinaghihiwalay ang dalawa para buwagin ang ADN Fandom at ibinenta pa ng APT ang movie sa ABS na mayroon ibang partnera ang dalawa. Dapat boycott pareho ang movie dalawa."

Positibo naman ang naging opinyon ni Pamela Mata aniya, "Support na lang tayo, mga idols nyo naman yan kailangan din nilang mapartner sa ibat ibang actors and actresses para maging versatile silang artista. Pareho silang magagaling na artista."

At karamihan ng mga komento na nabasa ko ay excited na para sa pelikula ng dalawa. Ikaw ano ang masasabi mo sa ulat na ito? Maari mong ibahagi ang iyong opinyon at magkomento lamang sa ibaba.



Post a Comment

0 Comments