Nagsimula na nga kahapon ang promoting season ng pelikula, nauna ng nag guest si Menggay sa MOR 101.9 at sa Music Channel na Myx na under din ng Kapamilya Network. At kaninang umaga rin ay nag guest silang dalawa ni Carlo Aquino sa Umagang Kayganda at sinagot ang mga katanungan sa kanila. Inaasahan din na maiimbitahan si Maine sa sikat na morning talk show na Magandang Buhay.
Noon pa man ay very vocal na ang dalaga na matagal na itong fan ng mga Kapamilya Shows ito'y kahit hindi pa siya artista noon. At kahit nabigyan na siya ng big break at maging sikat na sikat na noong kasagsagan ng AlDub Phenomenon ay hindi niya itinanggi na siya ay isang kapamilya avid fan. Kaya naman hindi mapigilan ni Maine Mendoza ang excitement sa kanyang pagbisita sa kalabang estasyon ng GMA Network.
Samantala, inaasahan din na gagawa rin sila ng mga kaliwa't kanang mga YouTube Content para sa pag promote ng kanilang pelikula sa social media. Gaya ng ginawang istilo ng Hello, Love, Goodbye na pinagbidahan ng kanyang katambal noon na si Multimedia Star Alden Richards.
Sounds weird pero tama ang narinig at nabasa mo. Mapapanood si Phenomenal Star Maine Mendoza sa ilang mga kapamilya shows upang ipromote ang kanilang pelikula ni Carlo Aquino. Bagamat sa GMA 7 ang home network ng dalaga ay mas maraming pribilehiyo na makapag promote siya sa kabila dahil under ng ABS CBN ang Blacksheep na nag produce ng movie na pinamagatang " Isa Pa With Feelings."






0 Comments