Bukod sa Highest Grossing Film ay nasungkit din ng pelikula ang kaunaunahang Filipino Film na nai-launch sa bansang Saudi Arabia. Samantala, labis labis ang pasasalamat ng Kapuso Actor na si Alden Richards na mga tao na bumuo sa likod ng pelikulang ito at nagpapasalamat din siya na pinagkatiwalaan siya ng ABS-CBN kahit hindi naman siya Kapamilya.
Narito ang naging pahayag ni Alden, "I'm grateful na sinugalan niyo ako. Thank you kasi di ko po narealize na I'm that worthy. "I would lke to give it to Direk Cathy. Hinawakan niya lang kamay ko throughout the journey... Thank you so much for the trust. This project made me realize na theres beauty in collaboration and unity."
Pinapurihan din ni Direk Cathy si Tisoy at sinabing, " One of the most mabait na nakasama namin."
Nalampasan ng Hello, Love, Goodbye ang pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na "The How's of Us" na tumabo naman noon ng mahigit 800M Pesos.
0 Comments