Marami ngayon ang nakakahalata na hindi na masyadong nakikita si Arjo Atayde sa mga event na dinadaluhan ni Phenomenal Star Maine Mendoza. Matatandaan noon na palaging nakabuntot ang binata kahit saan man magpunta ang dalaga. Ngunit nitong mga nakaraang linggo ay tila walang nabalitaan ang publiko.

Kaya naman ang isang malaking katanungan ang gumugulong ngayon sa mundo ng social media. Hiwalay na nga ba sina Arjo at Maine? May katotohanan nga ba ang akusasyon ng ilang mga netizens na pinapalayo muna si Arjo kay Meng upang hindi masira ang binubuong chemistry nina Carlo Aquino at Maine Mendoza para sa pelikulang "In My Feelings" na inaasahang ipapalabas sa taong ito.

Matatandaan noon na pansamantalang pinaglayo sina Alden Richards at Maine Mendoza upang mabigyang daan ang pelikulang "Hello, Love, Goodbye" nito kasama si Kathryn Bernardo. At nakita naman natin ang naging resulta nito tumabo sa takilya ang pelikula sa loob at labas ng bansa. At isa na ngayon ito sa itinuturing Highest Grossing Film of All Time." nanganganib ngayon nitong malampasan ang dating pelikula ng KathNiel na "The Hows of Us". Samantala kung ano man ang maging resulta ng pelikulang "In My Feelings" nina Maine at Carlo, Yan ang ating pakatutukan.