DOLE, Paparusahan ang GMA Network sa Pagkamatay ni Eddie Garcia.

Naglabas ng statement ang Department of Labor and Employment na sasampahan nila ng kaukulang parusa ang GMA Network ukol nangyaring kontrobersyal na pagnapanaw ng isang haligi na ng Philipine Cinema and Telebision na si Eddie Garcia. Matagal din bago nila natapos ang imbestigasyon sa tunay na nangyari at ayon sa kanilang nakalap na impormasyon ay nakitaan ng DOLE ang GMA Network na liable ito sa hindi pagsunod sa Occupational Safety Health Standards in the Workplace.

"May imposition na to penalize sila ng 100,000 a day until they comply," Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III,

Lumalabas sa imbestigasyon na wala umanong safe officer sa lugar habang ginaganap ang shooting ng Rosang Agimat noong araw na mangyari ang aksidente ng pagkatumba ni Eddie Garcia at bigo rin daw ang GMA Network na magsumite ng accident report ayon mismo sa pamunuan ng DOLE.

Dagdag pa ni Labor Secretary Silvetre Bello III, "Kung meron sila 'di sana namatay si Eddie Garcia. He was not properly attended to,""

Matatandaan na noong Hunyo 8 ay aksidenteng natapilok si Eddie Garcia sa isang kable resulta upang siya ay matumba at mabagok ang ulo. Unang inilabas sa media na inatake ito sa puso subalit kalaunan ay nilanaw ng pamilya na hindi atake sa pso ang sanhi ng kanyang pagkatumba.

Nagtagal pa ng ilang araw sa ospital si Manoy at na-comatose subalit kalaunan ay pumanaw rin dahil sa tinamong pinsala nito sa ulo at leeg.

Post a Comment

0 Comments