Maine Mendoza, Nirequest si Jake Cuenca na makapareha sa MMFF Movie?

Masayang inanunsyo ng Apt Entertainment na tuloy na tuloy na ang kanilang entry sa nalalapit na Metro Manila Film Festival sa Disyembre. Sinabi na rin ang magiging official na pamagat ng nasabing MMFF Movie. Pinamagatan itong "Mission Unstopable: The Don Identity" na Family Comedy ang Genre. Sa presscon ng ay isa-isa ng pinakilala ang mga cast na magiging bahagi ng pelikula.


Narito ang mga makakasama ni Maine Mendoza kabilang sina Wally Bayola, Tonton Gutierrez, Pokwang, Bossing at Jake Cuenca na personal di umanong pinili ni Menggay para maka pareha sa nasabing pelikula. Matapos ngang mabalita na magtatambal sila sa MMFF mabilis a kumalat din ang mga lumang tweet ni Maine sa kanyang twitter account tungkol sa pagka crush nito kay Jake Cuenca. Ang mga tweets ay nasa taong 2010 pa. Hindi pa noon artista si Maine.

Samantala, agad naman binatikos si Maine ng mga bashers nito na malandi ito at maharot pero hindi rin nagpatalo ang mga fans ni Maine at mabilis siyang dinipensahan laban sa mga pumupuna sa kanya. Narito ang ilan sa mga sinabi ng mga fans.

Ayon sa fan na si Imelda Agbulos, " Sadyang bata pa si Maine jan, mahilig siya sa mga gwapo na artista nalimutan niya na sikat na rin siya. Star na mas maraming humahanga."

Ang sabi naman ni Arc Mana, "Matagal na yan lahat naman tayo dumaan sa pagka crush sa mga artista ganun lang din siya. Mas matured na siya ngayon dati hinahangaan niya lang ngayon nakakatrabaho naniya."

YouTubeEmbed

Post a Comment

0 Comments