Maine Mendoza, Laglag na sa TVC Ice Cream?

Marami ang nagtataka at bakit tila nilaglag na diumano si Phenomenal Star Maine Mendoza sa isang TVC ng Ice Cream na matagal ng ineendorso ng AlDub. Matagal ding namalagi ang endorsement na ito sa Phenomenal Loveteam at ngayon nga ay tuluyan ng nawala at pinaghiwalay na ang dalawa.



Nagkaroon kase ng bagong katambal si Alden Richards sa nasabing endorsement at ito ay walang iba kundi si Kapamilya Actress Kathryn Bernardo. Ayon sa mga komento na aking nabasa dulot daw ito ng paparating na movie nila ni Kath kung kayat siya muna ang kinuhang kapareha ni Tisoy. Bali-balita din na pinagbabawalan na pagsamahin ang aldub upang hindi masira ang binibuild up na chemistry ng dalawa. Para sa movie nila na ilu-lunch ngayong taon.

Samantala narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga fans,

Ayon sa komento ni Fe Molinar, "Goodbye Magnolia, Welcome Selecta."
Ganito naman ang tinuran ni Mhoyie Pascua, "Sa inyo na yan! sorry naman Maine lang sapat na. Hindi na si Maine ang endorser so stop na buying that ice cream."

Bagamat hindi pa pinal kung laglag na nga ba si Maine Mendoza sa nasabing Ice Cream TVC negatibo na ang resulta nito sa ilang mga ADN Fans.

Post a Comment

1 Comments

  1. i wont buy magnolia ice cream na... mas masarap ang selecta... hahahaha

    ReplyDelete