Maine at Arjo, Hindi na tinatago ang Sweetness kahit sa harap ng ADN!


Lumikha ng ingay sa social media ang sweetness na ipinakita ng dalawa sa kakatapos lang na pa-birthday party para kay Maine Mendoza na inorganisa ng mga taga hanga nito na AlDub Nation. Na may temang #MaineAtHavanaNights.

Tuwang tuwa si Menggay sa malakas at taos pusong suporta sa kanya ng mga fans magmula noon at magpahanggang sa ngayon. May mga fans pa nga na galing Cebu at Amerika. Umuwi ng Pinas para lang masilayan ang dalaga. Mababanaag din sa mga mata ni Maine ang saya dahil kasama niya roon ang kanyang rumored boyfriend na si Arjo Atayde.

Hindi na naiilang ang dalawa na ipakita ang sweetness ng mga ito sa isat-isa kahit na nsa harapan pa nila ang mga ADN Fans. Samantala nagpasalamat nama si Meng sa mga taong tinanggap ang katotohanan at patuloy na sumusuporta sa kung anoman ang gusto nitong tahakin sa buhay. Hindi pa umaamin ang dalawa na sila kayat isa ito sa mga pinaka aabangang balita kung aamin na ba sila sa publiko o dating stage parin sila.

Post a Comment

0 Comments