Maine Mendoza, Emosyonal na nagpasalamat sa AlDub Nation.

Emosyonal na nagpasalamat noong nakaraang gabi si Phenomenal Star Maine Mendoza sa mga taga-hanga nila ni Alden Richards na AlDub Nation. Ang nasabing party ay inihanda ng Mommies and Titas of A and M. Naiyak si Menggay dahil sa mga kaganapan sa kanila ni Alden Richards at sa pagkawatak-watak ng fandom na AlDub Nation.







Tahimik si Maine Mendoza sa lahat ng mga issue na ibinabato sa kanya ngunit mababanaag sa kanyang mga mata na nalulungkot ito sa sinapit ng ADN. Batid nito na may mga kanya kanya silang buhay na nais tahakin. Si Alden Richards ay patuloy na nago-grow bilang actor at ngayong taon nga ay may movie ito kung saankatambal niya rito ang isang actress sa kabilang estasyon.



Samantalang si Maine Mendoza naman ay masaya sa kanyang buhay pag-ibig at sandamakmak din ang mga endorsement na ini aalok sa kanya. bagamat may mga landas na silang tinatahak ay patuloy parin ang suporta ng adn sa kanila.

YouTubeEmbed

Post a Comment

0 Comments