Wish ni Maine Mendoza sa kanyang kaarawan,"FREEDOM"

Marami na ang excited sa nalalapit na kaarawan ni Phenomenal Star Maine Mendoza sa darating na Ika-2 ng buwan ng Marso. At marami na rin ang naiintriga kung ano ang ano nga ba ang wish ni Menggay gayong nasa kanya na ang lahat. Pero ang hindi alam ng iba, nais ni Maine na magkaroon ng kalayaan. Kapag sinabing kalayaan marami kang maiisip at ibat-ibang uri ng kalayaan. Pero ano nga bang uri ng kalayaan ang nais ni Maine mula sa kanyang mga taga-hanga?

Ayon sa open letter noon ni Maine, hiniling niya na nais nitong magkarooon siya ng kalayan na gawin ang mga gusto niya na hindi siya nadidiktahan. At magkaroon din siya ng kalayaan pagdating sa kanyang buhay pagibig.

Matagal na itong hiling ni Maine Mendoza subalit hangga ngayon ay ilang parin siya na buksan sa publiko ang kanyang buhay pag-ibig. Dahil maraming tao ang tutol sa kung sino man ang lalakeng mamahalin at iibigin niya. Lalong-lalo na ang fandom na AlDub Nation na tanging hiling lang naman ay magkatuluyan ang dalawa. Ngunit sa mga nangyayari ngayon ay malabo ng matupad.

Post a Comment

0 Comments