Alden Richards, May balak pa bang ligawan si Maine Mendoza?

Marami ang mga nagdududa kung bakit sa tinagal tagal nang pagsasama ni Pambansang Bae Alden Richards at Phenomenal Star Maine Mendoza ay hindi parin sila nagkaroon ng pagkakataon na magkatuluyan. Dinaig pa sila ng kanilang mga kasabayang loveteam sa kabilang estasyon na Kathniel, Jadine at Lizquen na inamin na ang kani-kanilang tunay na estado ng relasyon.

Bakit nga ba hindi nagkatuluyan ang AlDub? Ganito ang katanungang umiikot ngayon sa utak ng mga taga-hanga nila. Lalong lalo na nag AlDub Nation. Marami ang nag-iisip na bading daw diumano si Tisoy kung kayat hindi nito ma push ang panliligaw kay Maine. At may mga maingilan ngilan naman na nagsasabi na may relasyon na ito sa creative head writer ng Eat Bulaga na Jenny Ferre. Bagama't hindi malinaw ang dahilan ay isa lamang ang masasabi ko.

May mga bagay talaga na kahit anong gawin natin kahit anong dasal natin kung hindi parin talaga sila nakatadhana sa isa't-isa. Tanggapin nalang natin suportahan nalang natin kung sino yong mga taong mamahalin nila. Fans lang tayo wala tayong karapatan na diktahan sila sa kung sinong iibigin nila.

Post a Comment

0 Comments