Nakita rin sa event ang sikat na AlDub Nation Vlogger na si Broze TV na siyang nagbahagi ng video. Sa nasabing event ay pinayuhan ni Menggay ang mga Famous Tiktok Creator na "Dont aspire to be famous!" Dagdag pa ni Maine Mendoza na paganahin ang malikhaing imahinasyon at pagbutihin pa lalo ang pagpapasaya ng mga manonood.
Ang nasabing event ay dinaluhan ng mga 100 Tiktok Creators na nanalo sa pacontest sa tatlong katergorya, ang #themaineventtalent, #themaineventfashion, at #themaineventcomedy. At ang nanalo naman sa pangkalahatan ay si Saira Datinguinoo na isa sa mga pinakasikat na video creator ng nasabing app.
Samantala, inaasahan na malapit ng lumabas ang pinaka aabangang Album ni Maine Mendoza na matagal ng hinhintay ng mga ADN fans. Namataan din sa nasabing event si Arjo Atayde na rumored boyfriend ng dalaga.
Pinabilib ni Phenomenal Star Maine Mendoza ang mga Tiktok Influencers at ang pamunuan ng TikTok Philippines sa kanyang ginawang pag-awit sa kakatapos lang na "The Maine Event" na ginanap sa BGC, Taguig City.
0 Comments