Sa kabila ng samu't saring mga balita ukol sa tunay na nangyayari kay Phenomenal Star Maine Mendoza ay tila ayaw padin maniwala ng mga fans lalong lalo na ang AlDub Nation na totoong magkasintahan na sina Maine at Arjo. Sa kasamaang palad nakakalungkot ito dahil marami sa mga nag iisip ay scripted daw umano ang mga rebelasyon ni Maine. Naniniwala padin daw sila na may something padin sina Maine At Alden.

Kung nababasa lang ni Menggay ang mga ganitong komento mula s kanyang mga fans malulungkot ito dahil kahit tila nasampal na sila ng katotohanan ay ayaw parin siyang paniwalaan. Sa madaling salita walang tiwala ang ilag fans kay Maine dahil hindi nila pinaniniwalaan ang mga pahayag ni Maine.


Samantala, umuwi na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde kahapon mula sa Taiwan.  Tatlong araw silang namalagi doon. March 3 ng sila ay umalis ng bansa.