Maine Mendoza, Nais ng mawala ang anino ni Yaya Dub sa Pagkatao niya.

Matagal ng nalulungkot si Phenomenal Star Maine Mendoza. Ito ang kanyang inamin sa kanyang blog dahil tila sa tagal na daw ng panahon na wala na si Yaya Dub ay parang mas tinitingala parin siya bilang Yaya Dub. Nais daw umano ni Menggay na makikila sa kung sino siya at kung ano siya. Iba raw si Yaya Dub kay Maine Mendoza.

Marahil ito raw ang dahilan kung bakit hangga ngayon ay paniwalang paniwala padin ang ilan na magkakatuluyan sila ni Alden Richards ay dahil mas nakikita parin siya bilang Yaya Dub. Ang karakter ni Menggay sa tinaguriang kalyeserye ng Longest Running Noontime Show na Eat Bulaga. Matatandaan na dito rin sumikat ng husto si Maine at Alden. At di makakaila na ito ang nagpayaman sa kanilang dalawa.

Nais baguhin ni Menggay ang konsepto na matagal ng nabuo sa utak at isip ng mga fans na kesyon engaged or kasal na sila ni Alden Richards. Iba raw ang fantacy sa totoong buhay. Ayon sa kanyang blog.

Post a Comment

0 Comments