Sa second attempt nito na makalapit sa dalaga ay noong nagtungo ito sa Barangay ngunit gaya ng inaasahan ay hindi rin siya nakalapit o nakapag papicture man lang dahil masyadong mahigpit ang seguridad ng EB Team. Walang makalapit-lapit na fan at itinataboy ng mga ito palayo.
Sa pangatlo nitong pagpunta sa event ni Menggay ay noong nagpunta ito sa Birthday Party Celebration ni Maine sa may Centris of Elements sa Quezon City. Subalit sa muling pagkakataon na sinubukan niya ay hindi man lang siya nakalapit.
Gayon man kahit tatlong beses na siyang nabigo ay hindi parin sumuko ang binata at muling naglakas loob na magtungo sa McDo Sta. Clara upang personal na makita si Maine. Hindi man siya pamilyar sa lugar na kanyang pupuntahan ay hindi niya ito ininda basta makita lamang niya ang kanyang iniidolo. Subalit gaya ng inaasahan ay bigo na naman siya.
At itong nakaraang #MainelandiaFair2018 ay nagtungo ang binata sa Makati, Todo effort si Broze TV upang masilayan si Meng sa limang pagkakataon na susubukang makalapit sa dalaga. Sa pagkakataong ito ay nagvlog na din siya upang ibahagi ang kanyang karanasan sa mga kapwa niya fans. Pinilit niyang makalapit ngunit sa dami ng tao at higpit ng seguridad ay muli na naman siyang nabigo.
Sa pagkakataong ito pinipilit pa rin niyang ngumiti sa kabila ng pagkadisapppoint nito. Ngunit hindi na niya napigilan. Maluwa luha nitong sinabi sa kanyang vlog na, " Ayaw ko na pagod nako, suko nako Maine." Habang sinasabi niya ito ay maluha luha pa siya at tila iniisip ang mga effort na ginawa niya subalit bigo parin siya. Dagdag pa niya, "Ang hirap mong lapitan Maine, Ayoko na Team Bahay nalang ako." Matapos niya itong sabihin ay sinabi niya na yun na raw ang huling beses na pupunta siya sa event ng Dubsmash Queen. Ano ang masasabi mo sa Super fanboy na ito? Nakarelate kaba sa kanya? Katunayan nai vlog niya ang kanyang mga nasabi sa video na ito sa ibaba na maaari mong panoorin.
4th Attempt na makalapit kay Maine.
5th Attempt na makalapit kay Maine, #MainelandiaFair2018
0 Comments