AlDub, Todo ang pag-aalala matapos isugod sa ospital si BaeBy Baste.

Hindi maitago nina Pambansang Bae Alden Richards at Phenomenal Star Maine Mendoza ang kanilang pag-aalala sa kanilang parang anak na rin na si BaeBy Baste. Isinugod sa ospital matapos hindi mawala-wala ang lagnat nito at pati rin ang kanyang nakababatang kapatid na si Samsam. Ayon sa mga nauna ng ulat ay nagkaroon ng sakit na Dengue ang magkapatid.


Samantala, Mula ng malaman ito ni Alden Richards ay dali-dali itong nagvideo call sa kanyang bestfriend upang matiyak na okay lang ang kalagayan nito. Ayon pa sa mga usap-usapan ng mga fans ay pinapunta umano ni Tisoy si Menggay sa ospital kung kayat nagpunta roon si Maine. Hindi pa ito malinaw pero ganoon nga ang mga chika sa twitter.

Samantala, bumuhos ang mga panalangin sa social media na inialay ng mga fans sa maagang pag galing ng magkapatid. Kaliwa't kanang mga "Get well soon" message at kung ano-ano pang pagpapalakas ng loob na mensahe ang kanilang ipina abot sa ina ni Baste.

Post a Comment

0 Comments