Papalit kay BaeBy Baste sa Daig Kayo ng Lola Ko, KILALANIN

Naka confined ngayon sa ospital ang child star ng Longest Running Noontime Show na Eat Bulaga na si BaeBy Baste. Matapos ma-diagnose na may dengue ayon sa kanyang manager dinala sa ospital ang bata dahil dalawang araw na itong nilalagnat. Sa pagkasuri ng kanyang dugo ay nalaman nga na may dengue nga ito. Sa ngayon ay humihingi sila ng panalangin upang agad na gumaling si Baste at ang kanyang kapatid na si Sam Sam.

Samantala, dahil sa nangyari ay marami ang nagtatanong sa amin na paano na raw ang Daig Kayo ng Lola Ko? Gayong nagkasakit ang isa sa mga lead star nito na si "Duwen-ding" At kanina lang ay ibinunyag na kung sino nga ang makakapalit ni Baste habang ito ay nagpapagaling mula sa sakit na dengue. Ito ay walang iba kundi si Yuan Franciso o mas kilala bilang si "Pao-Pao" sa Encantadia.

Masaya naman ang mga fans na mabilis na nagawan ng solusyon ang biglaang pangyayari at may kaunting pagbabago raw na ginawa sa kwento upang maging kapanipaniwala ang mga eksena gayong wala si Baste. Karamihan sa mga netizens ay nagpaabot na ng kanilang panalangin upang gumaling na ang child star.

Post a Comment

0 Comments