Maine Mendoza, Nalungkot sa balitang engaged na si Justin Bieber. GANITO ANG KANYANG SINABI.

Isa sa mga hindi nakapagtago ng kanyang kalungkutan ay ang Phenomenal Star Maine Mendoza ng malaman niya ang malungkot na balita na engaged na ang kanyang idol na Canadian Singer na si Justin Bieber sa modelong si Hailey Baldwin. Malungkot na balita ito para sa mga bielebers na gaya ni Menggay na noon daw ay pinangarap din niya na mapangasawa si Justin ayon sa kanyang caption.

Kahapon, Martes July 10, ay ni-retweet ni Maine ang isang post ng kapwa niya bieleber na nagpost ng lyrics ng kanta ni Justin na "That should be me" bilang reaksyon sa biglaang balita na ikinagulat ng maraming fan ni Bieber.  Sabi pa sa caption ni Maine, " Tandang-tanda ko pa nung 2009 sabi ko ako magiging asawa nya hahaha buset."

Samantala, maraming AlDub fans ang nagreact sa tweet na ito ni Dubsmash Queen Maine Mendoza at imbis na magselos sila ay ginawa pa nilang nakakatawa ang sitwasyon gaya nalang ng ginawa ng ilang netizens na pinagdikit ang mga larawan ni Tisoy at Meng at sinabing

 "May forever pa ka kayo ni Richard Faulkerson kesa jan kay Justine eheheh."
"Siya na lang Meng, mas safe ka, sure ka at special ka, kaya abot kamay ang pangarap."
There is a better than him na nakatadhana sa iyo. Itago na natin siya sa pangalang Richard Faulkerson Jr. Di hamak na mas loyal yun diba @aldenrichards02?"

Post a Comment

0 Comments