Halina't Ating alamin kung may kakayahan bang malampasan ni Maine Mendoza ang tagumpay na nagawa ng HLG ng Kathden? Ayon sa ilang kolumnista, Una sa lahat hindi priority ng ABSCBN ang nasabing pelikula dahil under their management lang ito. Ang pamunuan kase ng Blacksheep ay parang Sistercompany lamang ng Kapamilya Network. Kung kayat inaasahan na maliit lamang ang inilagak na pondo sa pelikula tulad sa promotions at iba pa. Pangalawa, Si Carlo Aquino ang makakareha niya sa nasabing pelikula at alam naman ng lahat na hindi naman ito gaanong sikat kumpara kina Kathryn at Alden. Kaunti lamang din ang mga fansclub ng binata. Pangatlo wala talagang balak ang BlackSheep management na higitan ung pelikula ng KathDen dahil ang pinaka goal lang naman ng movie ay mag entertain at maka inspire ng mga tao. Kung sakali man na mag hit ito ay bonus na lamang ito.
Samantala, maraming bashers kase ang hinahamon si Menggay at ang mga taga-suporta nito dahil noong di pa naipapalabas ang Hello, Love, Goodbye marami sa mga ADN at Maine Fans umano ang nagpahayag ng Boycott subalit hindi sila nagtagumpay.
0 Comments