Maine Mendoza, Nasorpresa ginawa ng Solid Maine Fans!

Kahapon ay ipinag-diwang ni Phenomenal Star Maine Mendoza ang kanyang ika-apat na taong anibersaryo sa mundo ng showbiz. Ito kase ang araw kung saan siya unang lumabas bilang Yaya Dub sa Longest Running Noontime Show na Eat Bulaga. Ito rin ang nakapag bigay kay Menggay ng sobra-sobrang kasikatan. At mas nadagdagan pa ito ng aksidenteng kiligin siya sa kapuso star na si Alden Richards na noon ay guest host lamang sa Eat Bulaga. And the rest is history

At ayun na nga sinorpresa ng mga taga-hanga ni Maine na Solid Maine Fans sa may basement na APT Studio. Nagulat si Menggay dahil sa pagbaba nito ay may mga hilera na ng pagkain at madaming tao ang nag-aabang sa kanya. Nagmistula itong fiesta sa dami ng pagkain sa mesa. Naroon din ang mga kapatid ni Maine at ang kanyang cute na cute na pamangkin na pinag-gigigilan nito. Masayang naki bonding si Maine sa mga fans nito sa mismong araw ng kanyang ika-apat na anibersaryo.

Samantala, hindi lang sa APT Studio ang nag celebrate sa araw na iyon kundi maging ang kanyang mga fans sa social media na nasaksihan ang kanyang mga pinagdaanan mula noon hanggang ngayon. At sa mga totoong taga-hanga na hindi parin siya iniiwan at patuloy na sinasamahan sa showbiz journey nito.

Post a Comment

0 Comments