Malapit ng maipalabas sa mga sinehan ang pinaka hihintay ng lahat na "Hello Love Goodbye" na pinagbibidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapag collaboration ng isang movie ang big stars ng dalawang TV Station. Na pareho ring galing mga sikat na loveteam. Isa itong tagumpay sa Star Cinema, GMA Network at ABS-CBN na sa kabila ng rival culture nito ay nakagawa sila ng pelikula na hindi noon na akala ng iba na imposibleng magawa.
Matapos mairelease ng Movie Teaser nito ay marami na ang nagbigay reaksyon dito na positibo. Anila may chemistry daw ang dalawa at isama pa rito ang galing ng dalawa sa pag arte lalong lalo na sa drama. Kabi-kabila na din ang mga reaction video sa Youtube tungkol dito. Gaya na lamang ng video na ito ng isang AlDub Fan na nagreact sa Movie Teaser ng KathDen Movie.
Samantala, sa kabila ng mga positibong reaksyon ng mga tao hindi pa rin mawawala ang mga bitter sa movie na ito na hindi maka move on at hindi matanggap ang nangyari sa sinapit ng kani-kanilang mga iniidolo. Ikaw ano ang masasabi mo sa ulat na ito/
0 Comments