Alden Richards, May Nais Ligawan kung maibabalik lang ang Panahon. SINO KAYA?

Kagabi ay nag guest si Pambansang Bae Alden Richards sa Sunday Late Night Show "The Boobay and Tekla Show" na katapat ng programa ni Vice Ganda. Binuksan ni Tisoy ang programa sa isang masayang pagbati sa mga Kapuso. Agad-agad itong sumabak sa mga matitinding tanungan gaya nalang ng isang tanong na ito.


"Kung maibabalik ang nakaraan, liligawan mo ba si ______?" Hindi sinabi ng tanong kung sinong babae ito ngunit simula ng marinig ang tanong ng mga Kapuso Viewers ay tila alam na nila kung sino ang pinapatungkulan ng tanong.

Ganito naman ang naging sagot ni Tisoy sa katanungan.
"Oo naman, " (Sigawan ang audience)
"Wala naman di ka magugustuhan, tingnan mo naman ohh napakaganda."

Samantala, na curious si Boobay at tinanong kung ano nga ba ang dahilan kung bakit hindi niya ito niligawan noon ay ganito ang isinagot ni Alden Richards.

"Wala, inuna yung career. Hayaan niyo pag nagkita kami ulet."


Bagama't hindi diretsahang sinabi ni si Maine Mendoza ang nasa tanong ay mabilis na nag assume ang mga netizens na ang dalaga nga ang tinutukoy nito. At dahil dito muli na namang nabuhayan ng loob ang ADN na baka sakaling matupad pa ang hiling nilang forever sa AlDub Loveteam.

YouTubeEmbed

Post a Comment

1 Comments