Maine Mendoza, Ginastusan ang Taiwan Trip nila ni Arjo Atayde?


Nag published ang isang pahayagan na Bandera na di-umano ay si Phenomenal Star Maine Mendoza ang lahat ng gumagastos sa mga gala nilang dalawa ni Arjo Atayde. Marami ang nag react dito at mabilis na nadismaya sa mga diumano'y pinag gagawa ni Maine Mendoza.

Pero kung titignan normal lang naman sa isang relasyon ang magbigayan at kung sino ang meron siya ang gagastos or alternate sila. Sa susunod ay ganito at susunod naman ay si ganito. Pero ang ADN hindi pabor sa mga ganito na si Menggay ang gumagastos sa relasyon nina Arjo at Maine.

Inaakusahan pa nila si Arjo Atayde na peperahan lang daw di umano nito si Menggay at may mgaq ilang fans na gumawa pa ng mga artwork na nagpapakita na masama si Arjo. Kitang kita na hindi parin maka move on ang AlDub Nation at bitter pa rin sila sa relasyon ng dalawa.

Anuman ang sabihin ng iba, sa bandang huli si Maine Mendoza parin ang masusunod dahil buhay niya ito. Kung ano man ang nais niyang gawin at kung ano man ang nais niyang tahakin sa kanyang karera at sa kanyang buhay pag-ibig. Naway huwag na tayong maging judgemental.

Post a Comment

0 Comments