Alden Richards, Napahiya sa tanong ng isang Fan sa Sunday Pinasaya.

Natahimik at hindi naka-imik si Pambansang Bae Alden Richards sa katanungang kanyang narinig sa isang fan. Maging ang mga manonood sa studio ng Sunday Pinasaya ay nagulat din sa itinanong ng fan na tila naging dahilan ng pagkakahiya ni Tisoy. Sa halip na ipahalata na hindi siya naging komportable sa tanong ay bahagya niyang tinakpan ang kanyang bibig at tumawa nalang ito.

Mapapanood sa nasabing video kung paano nagreact ang mga manonood at kung paano ito na handle ng maayos ni Aiai Delas Alas. Matapos magtanong ng babaeng fan ay mabilis itong lumapit kay Tisoy at niyakap ito sabay nagpa picture na rin. Napag alaman ng aming team na hindi pala ito ang dapat na itinanong ng fan ngunit mapangahas ang ginawang ito ng fan na pinalitan ang tanong. Hindi na namin alam ang mga sumunod na nangyari offcam.

Ganito ang sinabi ng fan kay Tisoy, "Anong feeling na pinagpalit ka ni Maine?" Bagamat awkward ay pupurihin parin natin ang fan na naglakas loob na itanong ito on national tv pero mas maganda siguro kung sinagot ni Alden Richards para hindi siya napahiya ng ganoon.

Post a Comment

0 Comments