Kathryn Bernardo, Kinilig sa Pa-Birthday Surprise ni Alden Richards.

Gumawa ng paraan si Pambansang Bae Alden Richards kung paano niya mahahandugan ng isang surprise birthday ang kanyang bagong katambal sa pelikula na si Kathryn Bernardo. Sa look test nilang dalawa para sa gagawing movie, nagbigay ng birthday cake si Tisoy at masayang kinantahan niya at ng mga staff si Kath ng maligayang bati.

Ang video surpresa ni Alden Richards ay ipinost ng isang staff ng kanilang pelikula sa instagram at ito ay hindi inasahan na magti-trending. Samantala salungat naman dito ang opinyon ng iba. Ang ilan ang natuwa at ang ilan naman ay iniintriga ang dalawa.


Bago pa man mangyari ang eksenang ito una ng inanunsyo ng pamunuan ng Star Cinema ang pagsasama ng dalawa sa isang movie under Cathy Garcia Molina's direction. Isang dream come true para kay Alden ang makasama si Kathryn at direk Cathy. Samantala turning 23 na si Kathryn ngayong March 26.

Post a Comment

0 Comments