Nagpunta rin dito ang buong pamilya ni Dubsmash Queen Maine Mendoza. Kabilang dito sina Nanay Dub, Tatay Dub, Dean, Nico, Coleen, Nicolette, BaeYaw John at ang makulit at cute na cute na si Bibi Matti. Maging ang mga malalapit na kaibigan ni Menggay ay naimbitahan din na dumalo. Hindi rin nagpahuli ang mga endorsement ni Menggay na super lakas ng suporta sa mga pa event ng mga fans nito sa kanya.
Samantala, Marami ang nakapansin sa suot na necklace medallion at singsing na bigay umano ni Pambansang Bae Alden Richards sa kanya. Isa raw itong magandang senyales na walang gusot sa pagitan ng dalawa at mga fans lang ang nagsasabong-sabong at nagpapagulo ng sitwasyon umano.
0 Comments