Nagkukumahog sa galit ang ibang mga AlDub Nation fans kung bakit mas piniling umalis ng bansa ni Pambansang Bae Alden Richards imbis na makiisa sa Anniversary ni Phenomenal Star Maine Mendoza at makisaya sa mga fans nito.

Agad itong binweltahan ni Dubsmash Queen Maine Mendoza at sinabing may commitment na dapat puntahan si Alden Richards at trabaho yun. Mabuti naman daw ang namamagitan sa kanila. At sa katunayan ay isinuot pa ni Menggay ang mga kwintas at sing sing na bigay mismo ni Alden sa kanya. Isang katibayan na okay sila.

Samantala, dahil sa ginawang ito ni Maine Mendoza ay unti-unting nawala ang init ng ulo ng mga fans at napalitan ito ng kilig dahil sa pagsuot ni Meng ng mga bigay ni Tisoy. Ikaw ano ang masasabi mo sa ulat na ito? Maari mong ibahgi ang iyong opinyon.