Habang nasa isang event si Coco Martin ay natanong siya ng mga press kung nais niya bang maka-loveteam si Dubsmash Quuen Maine Mendoza. At ang kanyang sinagot ay "Sana lang mapagbigyan." At ng matanong naman kung bakit hindi pa siya sigurado ay ganito ang kanyang sinabi, "Hindi pa e, Gusto ko malinis na malinis na ang script kapag pinasa sa kanila para... alam mo na. Baka kase hindi nila magustuhan nakakahiya."
Samantala, mula nang malaman ng AlDub Nation ang ukol sa balitang ito ay hati ang kanilang mga naging opinyon. Ayon kay Karen Flores, "No problem yes na yes kasi alam naming trabaho lang yan eh! tyaka syempre proud kami para kay maine, dahil marami ang mga bigatin na male young artist na gusto siyang makapareha it means iba talaga ang charm at ganda ni maine. Super Attractive kasi siya." At ang sinabi naman ni Miles Lagera, "Oo naman, di siya binibigyan sa GMA so being in a movie will be another venture to develop her skills in acting." Samantalang hindi naman pabor dito ang ilan ayon kay Jeffeson Rosal, " Mag pinsan tapos pagtatambalin mga sira ulo sino niloloko niyo haha nakakatawa siala akala koba magpinsan sila bakit gusto niyong pagtambalin?"

0 Comments