
Maraming nag ngangalit na AlDub Nation Fans dahil sa binitawang salita ni Pambansang Bae Alden Richards sa kanyang Press Conference ng kanyang pinaka bagong telefantasyang "Victor Magtanggol" Maraming mga naitanong sa kanya ang mga press na sanhi ng pagkakabisto nito ng ilang mga detalye ng mga pinaka tatago niyang lihim.
Pero ang pag uusapan natin muna ngayon ay ang tungkol sa paano niya ihandle ang kanyang mga bashers umano. Ayon kay Tisoy, noon daw ay nasasaktan sya sa mga natatamo niyang mga masasakit na salita subalit sa paglipas ng mga panahon ay natuto na daw sya na wag nalang intindihin ang negative comments dahil masasaktan lang daw siya at masisira ang araw niya kaya hindi na lamang niya ito pinapansin.
Saad pa ni Alden Richards, Naghahanap buhay daw siya at kagaya rin ng mga bashers na puna ng puna sa kanya ay naghahanap buhay rin daw sila. Batid ni Alden Richards na naghahanap buhay ang mga tao para sa pamilya at pangarap ganon daw si Tisoy. Kaya sa tuwing makaka encounter sya sa mga bashers ay hindi na lamang nito pinapansin. Magtatrabaho nalang daw sya at pipiliin kung ano ang tama. Dahil kapag daw na adik ka sa mali ay mahirap na daw malabasan. Thats why he's always doing the right things.
0 Comments