Usap-usapan ngayon sa social media ang nangyaring ito kahapon sa McDo Sta Clara dahil sa hindi inaasahang pagpunta mismo ni Phenomenal Star Maine Mendoza doon. Saktong opening ng kanilang kalaban sa negosyo na Jolibee Sta. Clara. May pa dance number din ang mga crew ni Menggay at nakisabay na rin si Menggay kaya naman habang nasa harap nila si Jolibee ay sinabayan na nila ito.
Paglabas na paglabas ni Menggay ay biglang nagsilipat ang mga tao mula sa Jolibee at pinanood ang Dubsmash Queen. Isa itong maituturing na healthy competition at hindi natin masisi si CEO sa katunayan mas mataas ang demand ng Jolibee kumpara sa McDo kung kayat nagfull force na ang Mendoza Family at isinama pa si Bibi Matti na super cute nag dance number pa ito ng sikat na sayaw na "Bboom Bboom"
Samantala, narito ang ilangf naging reaksyon ng mga fans lalong lalo na ang sikat na fandom na Aldub Nation. Ayon kay @mainedei, " Grabe maine, talo talaga ang kalaban pag ikaw ang humarap ikaw pa, ang lakas mo sa masa e." At ang sinabi naman ni LornaDeGuzman, "Kawawa naman si Jabi hahahaha, grabe ka Menggay."
0 Comments