Alden Richards, Nag-React sa Pag-tanggi ni Maine sa alok na Kontrata ng GMA Network.

Kalat na kalat na ngayon ang usaping ito sa mundo ng social media lalong lalo na sa mundo ng twitter. Usap usapan kase na nag-alok na naman umano ng kontrata ang pamunuan ng Kapuso Network sa kampo ni Phenomenal Star Maine Mendoza ngunit tinanggihan na naman daw ito ng dalaga. Bakit kaya?


Ayon sa balita na aking nasagap ibinulgar na daw ang pagtanggi ni Dubsmash Queen Maine Mendoza ang alok na Exclusive Contract ng GMA Network. Pakiusap daw umano ito ni Pambansang Bae Alden Richards upang madalas na silang magsama sa mga events at mga shows. Marami kase ang nakakapansin na hindi magkasama ang dalawa at palagi itong hiwalay ng event. Na hindi naman nakapag tataka dahil magkahiwalay ang management na humahawak sa kanila. Bukod pa rito malapit na rin umanong ipalabas ang nalalapit na telefantasya na "Victor Magtanggol" na pagbibidahan ng nag-iisang Alden Richards.

Recommended Video.
Karamihan sa mga nagwewelgang mga fans umano ay hindi alam ang tunay na kwento kung bakit palaging magkahiwalay ang dalawa at hindi na masyadong pinagsasama. At ito nga ang dahilan kung bakit hindi kasama ni Tisoy si Menggay sa kanyang nallapit na Telefantasya na VM. Nananawagan ang karamihan sa mga AlDub Nation na iboycott uma no ang nasabing show subalit may mga iba na hati naman ang opinyon ukol dito.

Ano man ang puno't dulo ng balitang ito. At anuman o sinuman ang nagsasabi ng katotohanan ay pareho nalang nating suportahan sina Pambansang Bae Alden Richards at Phenomenal Star Maine Mendoza. Dahil wala naman ibang susuporta sa kanila kundi tayo rin naman.

Post a Comment

0 Comments