Maraming katanungan ang ibinato ni Amy Perez sa dalawa na masaya naman sinagot isa-isa ng dalawa. Katulad na lamang kung ano ang masasabi niya bilang Leading Lady kay Kathryn Bernardo.
"Wala po akong masabi kasi ako po ay in this industry for almost 10 years. Nadaanan ko na po lahat ng leading ladies. Ahh lahat po ng nakapareho ko si Kath lang po yung special at siya lang po ung nakapareho na taga ibang network. Kase po grabe pong maglabas si Kath e hindi po siya madamot sa eksena. Nailalabas ko yung emosyon ko towards the craft po."
Matapos ang panayam na ito maraming ADN fans ang nagalit at sinabing bakit ganoon na lamang magsalita si Alden Richards. Parang wala raw itong utang na loob kay Maine at kung sino na lamang ang kaharap nito ay kung anu-anong matatamis na salita ang lumalabas sa bibig nito.
Sa ngayon imbes na suportahan ang movie ay tila nagdadalawang isip ngayon ang ADN kung susuportahan pa ito. Samantala ang ilang ADN fans naman ay naiintindihan ang mga naging pahayag ni Tisoy na si Kath ang pinaka espesyal dahil galing nga naman ito sa kabilang estasyon kumpara kay Maine na kasa-kasama nito sa Eat Bulaga.
Kaliwa't kanang mga guestings ngayon ang pinaka aabangang tambalan sa big screen na sina Alden Richards at Kathryn Bernado. Maraming mga fans ang nakatutok at naka tuon sa mga magiging pahayag ng dalawa sa kung ano nga ba ang masasabi nila sa isat-isa. Kaninang umaga ay nag guesting ulit ang dalawa sa Umagang Kayganda. Ito ang pangalawang pagkakataon ni Tisoy na muling makatapak sa Kapamilya Network.
0 Comments