Alden Richards, Namayat sa habang nasa Hongkong. Bakit kaya?

Marami ang nakapansin sa mabilis na pagpayat ng katawan ni Pambansang Bae Alden Richards. Matagal tagal na rin siyang hindi napapanood sa longest running noontime show na Eat Bulaga. Sapagkat abala ito ngayon sa kanyang first ever Star Cinema Movie ever na kung saan makakatambal niya rito si Teen Queen Kathryn Bernardo.

Nagsimulang mapansin ito ng mga netizens mula ng magpost ng mga larawan at mga video ang mga kasamahan niya sa pelikula gaya nina Cacai Bautista at Mamay Entrata at isama pa rito ang mga photo opp ng mga ofw fans na naroon. Kutob tuloy ng ilan tila kasama sa description ng kanyang role ang maging payat na pangangatawan.

Noong una ay napabalitang pinagbabawalan diumano ni Direk Cathy Garcia Molina ang mga tao roon na kumuha ng larawan ng mga lead cast ng pelikula. Ngunit di naglaon ay hindi na niya ito napigilan. Samantala mapapanood ang nasabing pelikula sa Mayo na kung saan target nila itong maipalabas.

Post a Comment

0 Comments