Halos kasabay ito ng pagtatapat ni Maine na nasa "dating stage" na sila ni Arjo, sa blog entry nito kagabi, March 2, na bisperas pa ng ika-24th birthday ng dalaga. Solong larawan lang ni Maine ang kanyang ipinost na tila kuha sa isang dinner cruise, na ang view ay ang city skyline ng hindi pinangalanang lugar. Walang sinulat na anuman caption si Arjo.
Pero noon palang January 22, 2019, una nang naghayag si Arjo na "exclusively dating na sila ni Maine." Nasabi rin ng aktor na masaya siya sa piling ni Maine at humahanga raw siya sa kabuuang pagkatao ni Menggay.
"She makes me laugh all the time," dagdag pa noon ni Arjo.
Bandang second week naman ng Pebrero 2019 ay sabay na may ginawang trabaho sina Arjo at Maine sa Amerika. Hinihinalang nagkita ang dalawa roon, base na rin sa post ng Kapamilya Actor na si Arjo na ang "last stop niya kay Maine."
Todo suporta din si Arjo ng ilunsad si Maine Mendoza bilang endorser ng isang make up line ng lipstick brand na iniendorso ng dalaga. Patunay na nagkakamabutihan na ang dalawa.
Sabi rin ni Menggay sa kanyang blog ay pinatunayan ni Arjo ang magandang intensyon nito sa kanya sa pamamagitan ng "extra effort" nito para mapasaya lamang siya.
Tila kinilig si Arjo Atayde, 28, sa pag-amin ni Phenomenal Star Maine Mendoza, 24, ng nararamdaman nito para sa kanya. Ito ay dahil napa post si Arjo ng litrato ni Maine sa Instagram Story ng binata bandang hating gabi nitong araw ng linggo.




1 Comments
Kung saan masaya x Maine go,,,lng,,at least, ,ngpakatotoo x,,,I one of ur million Fans,,,but My heart, it's pain ,,,but it's OK ur choice to be happy,,,,so Goodluck, and Godbless, ,,,
ReplyDelete