
Matapos ang kontrobersyal pag-amin ni Phenomenal Star Maine Mendoza sa kanyang blog ay tila walang mababakas na pagsisi sa awra at kilos ni Menggay. Tila matagal na rin niyang nais itong isapubliko ngunit ayaw niyang makasakit ng iba. Subalit noong marami ng natatanggap na death threat ang pamilya ni Arjo Atayde ay napilitan na si Meng namagsalita.
Maraming AlDub Nation fans ang nalungkot at nabigla ng biglang maglabasan ang mga sweet na larawan nina Maine Mendoza at Arjo Atayde. Maging si Arjo ay nagpost na din ng larawan ni Maine noong nagdinner date sila sa Amerika noong enero.
Samantala, marami naman ang humanga kay Phenomenal Star Maine Mendoza dahil sa kanyang pagpapaka-totoo at ipinaglaban ang kanyang nararamdaman sa kabila ng pressure. Karamihan kase sa mga ADN ay gustong gusto nilang magkatuluyan sina Alden Richards at Maine Mendoza ngunit aniya ito raw ay isang malaking fantacy. Hindi raw sila totoong engaged ni Tisoy gaya ng mga pekeng kwento na pinapakalat ni Myrna Baluyut. At sinabi nitong hindi sila konektado ni Myrna baluyut at di niya ito personal na kilala. nilinaw din ni Menggay na magkaibigan lang sila ni Pambansang Bae Alden Richards.
0 Comments