Maine Mendoza, Hindi natatakot mawalan ng Fans.

Ganito katapang na hinarap ni Phenomenal Star Maine Mendoza ang mga pangbabash at paghuhusga sa kanya ng publiko bagamat alam niya ganito ang mangyayari ay hindi niya inalintana para lang maipaalam sa mundo at sa mga fans ang masaklap na katotohanan na loveteam lang sila ni Pambansang Bae Alden Richards at magkaibigan lang sila.

Matapos ang ginawang pag-amin ni Maine Mendoza ay maraming AlDub Nation Fans ang tumigil na at nagpahinga na sa pagiging fangirl sa dalaga samantalang ang ilan naman ay nanatiling loyal sa dalaga at bumilib sa ipinakitang katapangan at pagpapakatotoo nito.

May mga ilang nagpapakalat ng maling impormasyon na milyon di umano ang nag unfollow kay Maine matapos ang pag amin sa blog nito. Subalit ng aming suriin ay mas nadadagdagan pa ang mga followers ni Maine sa halip na bumaba.

Post a Comment

0 Comments