
Nanindigan ang ABS-CBN Actor na si Arjo Atayde na hindi umano siya ang dahilan kung bakit nagkahiwalay ng landas ang Phenomenal Loveteam na AlDub. Matatandaan na noon pa man ay marami ng issue ang nasabing Tambalan gaya ng hindi nito pagkakapareho ng management at hindi mapagkasunduang hatiian ng kita mula sa dalawang management kung sino nga ba ang mas sikat sa dalawa. Isa sa mga ito ay sanhi siguro kung bakit pinaghiwalay ang aldub. Bago paman umano umeksena si Atayde.
Masaya si Arjo Atayde sa ginawang paniindigan ni Maine Mendoza para sa kanilang pagmamahalan. Bilib siya rito dahil sa tapang na isiwalat ang katotohanan kahit alam niyang marami ang tutol. Sana raw ay sa huli ay matanggap din ng Fandom na AlDub Nation ang kanilang pagmamahalan.
Samantala, Nasa Israel ngayon si Menggay kasama ang Eat Bulaga Dabarkads. Kayaq naman ang tanong namin susunod ba siya roon? Well hindi niya kami sinagot.
0 Comments