AlDub Loveteam, Mabenta pa rin sa Masa. Naka 1M Tweets

Nasubukang muli kung gaano pa nga ba kalakas ang Tambalang AlDub. To ay matapos ang malaking bangungot na gumimbal sa fandom na AlDub nation tungkol sa lovelife ni Phenomenal Star Maine Mendoza. Nagsamang muli ang dalawa sa Daddy's Gurl kung saan nag guest si Tisoy.

Gumanap si Pambansang Bae Alden Richards na High School Crush ni Stacy na karakter naman ni Menggay. Maraming netizens ang nagtweet ukol sa nasabing programa at inamin na magpasa hangga ngayon ay hindi parin nawala ang kilig o chemistry ng dalawa.

Pag amin din ng isa pang ADn na nakausap namin ay noong una raw ay nawalan na siya ng gana ngunit ng mapanood  niyang muli ang dalawa bumalik raw muli ang lahat ng alaala at pagmamahal niya sa AlDub.

Post a Comment

0 Comments