Rams David, Umalma sa kumakalat na Fake News na tungkol kina Maine Mendoza at Jake Ejercito.

Umaalma ngayon ang talent manager at Triple A Management na si Rams David sa mga kumakalat na issue sa mundo ng social media. Lalo na ang tungkol sa isyu ng pagkakasama umano ni Jake Ejercito sa cast ng Series na gagawin ni Phenomenal Star Maine Mendoza sa Daig Kayo ng Lola Ko. Ayon sa kanya ay wala umanong katotohanan ito at ito ay pawang chismis at fake news raw lamang.

Sinegundahan din ito ng isa pang malapit kay Maine Mendoza na madalas nitong makasama sa pinupuntahan ni Menggay na si @erichinvitaminc, aniya "Walang katotohanan na guest sa Maine Episode ng Daig Kayo ng Lola Ko si Jake." At talaga naman malabo itong mangyari dahil sa aking pagkaka alam ay nasa ibang bansa si Jake ngayon at dumalo ng graduation sa aking pagkaka alam.

Unang kumalat ang chismis na ito at sinasabi ng ilan na nagmula raw ang fake news na ito sa isang kilalang showbiz analyst and  newspaper writer na si Manay Lolit Solis. Kabi-kabila ang natatamong bashing ngayon ni Manay Lolit bunga talaga sa kanyang nilikha umanong pekeng balita.

Post a Comment

0 Comments